Sunday, April 30th, 2006
Magkahalong TUWA and PAGOD ang nararamdaman ko ngayon. TUWA because I really enjoyed the outing except for the latter part kasi ang init na talaga, knowing wala pa akong tulog and nakainom pa ako ng konting alcohol. Itong si Kuya Alvin (NSET BUDDY) kasi pinainom ako ng brandy…sa sobrang sosyal eh water ang chaser! Tama ba naman yun? I felt nauseated..and my head hurts seemed like it’s very willing to bang itself into the bus’ walls Pero Im really glad nakasama ko ulit ang mga NSET buddies ko kahit hiwa-hiwalay kami ng table.
Magagaling din yung mga live bands kanina ha. Nagmistulang concert arena ang WhiteRock. Siyempre ang mga associates ng St. Luke’s game na game naman, walang mahiyain, except for Aileen (co-staff ko) na kahit anung pambobola at panunulsol namin na sumali sa Ms. Whiterock eh hindi namin napa-OO!
PAGOD kasi ilang traffic ang dinaanan namin from St. Luke’s to Subic and back! Lalo na nung pauwi. Our bus had to go back ang take the Florida Blanca way to San Fernando. Nalibot namin ang buong Pampanga kakahanap ng maluwag na daan. Kawawa naman yung mga co-staff ko na kailangan pang mag-duty tonight…sobrang tired na sila and yet ndi sila puwede matulog.
Hanggang dito muna…out na ko. Im really EXHAUSTED. Will post pics tom!
Saturday, April 29th, 2006
Yey! Summer outing na ng St. Luke’s sa WhiteRock Beach Resort, Subic tomorrow. Naka-ready na nga ang gamit ko kasi I still have to go on duty tonight until 3am in the morning. Our bus will leave SLMC at exactly 5am so doon na ko sa unit magbibihis and magshower.
Hinati kami sa 2 batches. Siyempre hindi naman kaya i-accomodate ng White Rock ang almost 2000 associates ng San Lucas. Divided din kami sa unit…wala kasi maiiwan sa mga patients pag lahat kami sumama. Ang 1st batch ng unit is composed of the “VETERANS”, hehehe..ito ang mga co-staff kong haligi na ng hospital..sa tagal ba naman nila sa SLMC. Kami naman ang “The Virgins”, hahaha…the new generation kumbaga! Anyway, kahit magkakahiwalay kami, Im sure we’re gonna have so much fun. Iba talaga pag LIBRE. Hehehe. Will post some pics when I get back tomorrow evening.
Thank You nga pala kay Ma’am Aiza, ang aking very beautiful and ever sexy na Assistant Nurse Unit Manager for doing my 2nd Evaluation. Gaganda ng mga nilagay ni Ma’am Aiza sa evaluation form ko. Grabe na talaga ang pagtatrabaho ng aming bagung ANUM na ito, from sun up til sun down nasa unit pa rin! Hindi lang yan….model pa yan ng Weight Management…naks!

Saturday, April 29th, 2006
Smooth sailing na sana ang duty namin kahapon ng gabi…nung pauwi na ako…lumapit sa akin yung junior nurse namin. Sabi nya, “Ma’am ang sungit nung OB resident na nakausap ko sa phone. Nagtanung lang naman ako kung available na yung OR record nung patient ko kasi gusto daw nya magpadischarge tom morning. Sabi nya tatawag daw siya sa Nursing Service Office…kinuha yung name ko.” Nagpintig ang tenga namin ni Shy..yung isang senior nurse. Sabi ko, ” Sino ba yang doctor na yan? Hindi porke’t bago ka magtataray siya nang ganun??!” Tatawagan na sana ni Shy pero may ka-endorse kasi siya kaya sabi ko ako ang tatawag at makakarining ang doctor na yan.
Tumawag ako sa OB conference room…yung maldita ang nakasagot. Sabi ko, “Ma’am sino nakausap ng co-staff ko about sa OR record nung patient namin? Sumagot ang lokaret, “Ako…Dra. G—– ito.” Hindi pa ko sumasagot biglang nagsalita nanaman ang lola mo at parang guilty “Ang sabi kasi ng staff mo, hindi makakauwi yung patient ng wala yung OR record. Hindi kami nagpapauwi ng 2 days post op na TAHBSO. At hindi ako ang gagawa ng OR tech nyan..si Dra. Francisco..hindi siya duty ngayon hayaan mo sasabihin ko bukas impunto alas-7 nang umaga. Bakit mo tinatanung kung sino ako?”
Syempre hindi na rin ako nakapagtimpi at sinagot ko siya. “Doctor, hindi ganyan ang pagkakatanung ng staff ko.Ang situation is… patient ang nagrequest ng OR tech, pina-follow up lang sa amin dahil gusto na sana nya umuwi bukas. In the first place, ang OR record dapat nasa chart na ng 1-2 days post op hindi ba? Kaya ko tinanung kung sino ka dahil pag nagtanong ang patient kung kanino namin sinabi request nya… may isasagot kami dito at hindi kami tatanga-tanga lang.”
Sabi nya, “Sino ka?”
“YNA DUMO.” Sabay binabaan ko siya ng telepono.
Hehehe…sige tumawag ka ngayon sa NSO…maghanap ka ng Yna Dumo doon kung may makikita ka. Married name na ata ang gamit ko.:nunuh27: Maayos na tumawag yung junior namin tapos sasagutin nya ng pabalang. Leche siya.
May mga abusadong resident doctors kasi sa St. Luke’s. Ang baba ng tingin nila sa Nurses. Well para ipaalam ko sa kanila..pantay lang ang residente at nurses..mas malaki pa nga suweldo namin sa kanila noh! Meron ding mga abusadong interns. Eh hello! Hindi pa kayo doctor kala ninyo kung sino kayo mag-utos! Kami kaya ang may lisensya hindi kayo? Mag-insert lang ng foley catheter or ng IV, magpapatulong pa..eh kami nga nagagawa yan mag isa eh!
Minsan, not too long ago, may pumasok na intern sa loob ng nurse station. Nagkataon ako lang ang tao sa loob. Ang bruhang ito, dumiretso sa akin at nagtanung..”San po ang chart ni 522A?” Hindi ko pinansin. Eh makapal talaga ang mukha, nagtanung pa rin! Paulit-ulit! Sa sobrang inis ko sa kanya sinigawan ko siya, ” Ma’am hindi lalapit sayo ang chart, hanapin mo kaya! Ayan ang chart rack o! Hindi mo ba nakikita? Kung ahas yan kanina ka pa natuklaw!”
Kung one incident lang sana, binigay ko chart sa kanya…eh everytime na lang papasok siya at kailangan nya ng chart eh didiretso siya sa nurses na alam naman niyang maraming ginagawa. OMG, kaya ka nga may mata e..para maghanap!
Hindi lahat ng bagay eh iaasa sa nurses. At hindi rin kami katulong sa Ospital na puwede mong boldyakin at sigaw-sigawan kung kailan mo gustuhin. Sorry na lang kayo kung makatapat kayo ng nurses na tulad ko na palaban!
Friday, April 28th, 2006
What’s up people? I miss writing here. I hate it when Im busy at work…tendency is I’d rather sleep when Im at home than write here. Nothing special happened really…I’ve got new pictures by the way. Yesterday I dropped by the mall to buy a new pair of sunglasses…it’s not that sexy…didn’t like it that much but Ross did…so it meant something. Also bought a kikay organizer…yup! That’s how I call it. I’ll use it to organize my vanity area. Got lots of bracelets, earrings, pins, make-ups and watches that need a lot of organizing. I dunno how I’ll get rid of these things when I leave for the States.
More updates:




Saturday, April 22nd, 2006
Am I happy or what! :nunuh31:Nagrounds ang labs ko sa unit. Itong si Ma’am Aiza parang girl scout always ready ang camera…nakunan nya ng pic si labs kaso ang panget ng kuha dahil ndi siya maka-posing nang maayos coz kasama niya yung isang Ortho Consultant. Mahiyain si labs eh. Hayan, naging monay tuloy ang face nya. Pero okay lang kasi at least may pic na ko. I love you talaga Ma’am Aiza! Hahaha!

Speaking of doctors, medyo nairita ako sa isang consultant kanina. Neuro doctor itong manyak na ito. I remember nung baguhan pa lang ako, lagi siya naka-smile sa akin and lagi nya ko sinasabihan na maganda daw ako. Aba! Everytime na lang nasa unit eh lagi na lang nya hinahawakan ang braso at kamay ko! Kesyo miss na daw nya ko achu-chu-chu. Ang sarap ipalunok sa kanya ng Wedding Ring ko!:nunuh32: Hay nako, di bale sana kung gwapo katulad ni labs..eh hindi naman! Suya.:nunuh22: Sexual Harrassment na itooooooo!
Nakuwento ko nga pala kay Ross yung tungkol sa manyak na doctor…at pinakita ko rin pic ni labs. Di bale Honey..kaw pa rin labs ko. Solid!:nunuh28: